Tagalog: Simplify

Sa aming kurso, madalas mababanggit ang tinatawag na “The 3 S’s”. Makikita ito sa kalahatan ng librong The Montessori Alzheimer’s Project ang tinatawag na 3 S at isa dito ay “Simplify” o ang pagpapasimple.(Ang dalawang S ay tatalakayin sa mga susunod na blog post)

Upang mas maintindihan ang kahalagahan ng Simplification o pagpapasimple para isang taong may dementia, isipin ang mga sumusnod na sitwasyon:

–      Naranasan mo na bang pumasok sa isang pamilihan at hindi malaman kung saan magisismula dahil sa dami ng mga produkto at pagpipilian?

–      Naranasan mo na bang hindi mahanap ang kailangan mo na bagay o produkto dahil sa dami ng magkakasama sa mga istante?

–      Naranasan mo ba ang hindi makapagpasya dahil sa dami ng mga pagpipilian sa harap mo?

 

Ayon kay Dr. Montessori, mahalagang inihahanda ang kapaligiran (prepared environment) sa paraan na ito ay maayos, kaakit-akit, simple at may naayong kaluwagan. Kapag ito ay nagawa, ang mga hadlang na nabanggit sa itaas ay mas naiiwasan. Nagkakaron ng linaw kung saan ang simula. Nagiging mas madali ang pagpili dahil nililimitahan ang pagpipilian.

Pagdating sa edukasyon, makikita sa mga materyales ng Montessori ang Simplification o pagpapasimple. Ang mga materyales na binuo ni Dr. Montessori ay hindi nalilimitahan para sa isang konsepto lamang kundi maaring magamit para sa iba’t-ibang konsepto.

Ang pagpapanatili ng maayos na materyales sa isang kaakit-akit na kapaligiran ay isang paraan upang mas madaling mahanap ang isang hinahanap na kagamitan. Ito ay nagpapanatiling simple ang mga pagpipilian at walang paggambala para sa namimili.

Ang Montessori Alzheimer’s Project ay ginagamit ang konsepto ng simplification o pagpapasimple para sa mga taong may dementia. Isang importanteng aspeto ng Montessori sa kanilang mga silid-aralan ngunit ito rin ay mahalagang konsepto na ipatupad sa kapaligiran o tahanan ng isang taong may dementia habang unti-unting nagbabago ang kanyang kapasidad.

Subukan ang simplification o pagpapasimple sa kapaligiran at makikita ang malaking epekto nito. Sa aming libro, mas maraming halimbawa ang matutunan kung paano pa mapapasimple ang inyong tahanan, komunikasyon and pakikipag-ugnayan sa mga kapamilya at mga kaibigan. Magagamit ang mga halimbawa na ito at maari ring baguhin upang umangkop sa pangangailangan.

Ang konseptong ito ay makakabago at makakapagpagaan ng inyong buhay at ng buhay ng inyong minamahal na may dementia. Nagbubukas ito ng mas maraming oportunidad para maging pagmamahal at kasiyahan ang tema ng inyong araw.

Taos pusong bumabati,

Greg

Copyright © 2025 Montessori Alzheimer’s Project