Tagalog: Welcome to Our Home

Ang Pagtanggap ng mga Bisita ng Inyong Minamahal na may Dementia

Maligayang Pagdating sa Aming Tahanan

May mga pagbabago kayong makikita sa aming tahanan. Iniba namin ang mga ito upang maging masaya at dalisay ang pananatili dito ni _______. Si ________ ay nasa maagang antas ng Alzheimer’s Disease. Ang mga pagbabago na ito ay para masuportahan si ______ na maging masaya at ligtas ang paninirahan niya dito at upang maging masaya ang paggunita ng mga nakaraang alala at upang makagawa ng mga bagong alaala kasama siya.

Maaari lamang magsuot ng nametag. Hindi parating kakailangnin ni ______ ito ngunit ito ay nakakatulong sa kanyang alaala. Ipakilala ang iyong sarili ng may ngiti at sabihin ang iyong relasyon sa kanya. Halimbawa: “Hello _______, ako si _________, ang iyong anak.” Ito ay isang magandang panimula sa iyong pagbisita.

 

Mapapansin na may mga makikitang mga kagamitan na magaalalay sa kanya sa loob ng bahay. May mga litrato ng mga kagamitang na matatagpuan sa loob ng isang aparador o pintuan. Ito ay nagbibigay ng akmang suporta sa pananatili ni _______ sa aming tahanan.

Ang mga gawain at laro ay maaring gawin magkakasama. Ito ang isang listahan. Ang pag-upo at paglalakad na magkahawak ang kamay ay maganda. Mayroon kaming mga payo mula sa Montessori Alzheimer’s Program/Project kung paano kayo makakapaglakad ng magkasama, paano makipag-usap, maglaro, magkantahan at kung anu-ano pang mga gawain na pwedeng gawing ng magkakasama.

Kahit mayroon ng pagkakaiba sa ating mga minamahal, hindi naman dapat na ganap na magbago ang lahat. Ang ating pagmamahal sa kanila ay magiging paraan na mapagaan ang buhay.

Huwag kayong magatubiling magtanong para sa mga mungkahi na pwedeng gawin upang maging espesyal para sa iyo at kay ____________ ang iyong pagbisita. Muli, maligayang pagdating sa aming tahanan.

Copyright © 2024 Montessori Alzheimer’s Project